CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng Iligan City Police Office (ICPO) na pawang mga miyembro ng terroristang Maute Group ang tatlong katao na suspek sa paghighjack sa isang negosyante mula Iligan City noong Pebrero 24.

Sa ulat ni Iligan City Police Office Director Sr Supt Leony Roy Ga, inihayag nito ang pagkakahuli ng isang Eyemen Canulo Alonto habang nakasakay pa sa isang getaway vehicle, sa Sitio Camague sa Barangay Tomas Cabili.

Nakilala ang namatay sa insidente na si Azam Ampatua, samantalang ang isa pang suspek ay nakilala bilang “Wowie”.

Sa ngayon, beneperipika pa ng mga otoridad kung ang nasabing “Wowie” ang nakitang nagbitbit ng pugot na ulo sa mga napatay sa bansuhan sa Butig, Lanao del Sur.

Kung matatandaan, tatlong empleyado ng ang pinatay ng Maute sa nasabing pagawaan.