CAGAYAN DE ORO CITY – Pinawi ngayon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr ang pangamba ng publiko ukol sa umano’y presensya ng dalawa hanggang tatlong sundalong Intsik na palihim nakapasok sa bansa.
Ito ay kasunod sa ginawa na expose ni retired PNP chief director general at kasalukuyang Senator Panfilo Lacson na nagsagawa umano ng immersion ang Chinese army personnel sa bansa an hindi namalayan ng state forces.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Esperon na hindi pa dapat mangamba ang publiko dahil wala pa namang kompirmasyon na totoo ang impormasyon na napasok ng banyagang puwersa ang Pilipinas.
Inihayag ni Esperon na kahit nasa 3,000 pa na mga sundalong Intsik ang nakapasok ng bansa subalit hindi naman ito makagalaw upang tapatan ang puwersa ng state forces.
Dagdag ng opisyal na hindi makapag-react ng husto ang bansa kung wala namang validated report kaugnay sa panghihimasok ng puwersang Chinese.
Sa ilalim ng Saligang Batas ng bansa,malaking paglabag ang pagpasok ng tropang banyaga na walang pinasok na kasunduan katulad ng Pilipinas at Estados Unidos.