CAGAYAN DE ORO CITY-Isinailalim ngayon sa lockdown ang tatlong Sitio dito sa lungsod dahil sa local transmission ng COVIID-19.

Itoy matapos makumpirma na dinapuan ng coronavirus ang tig-isang residente sa Sitio Macapaya at Sitio Santa Cruz sa Brgy Camaman-an at isa naman sa Zone 7, Carmen sa lungsod.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na inaasahan nilang madaragragan pa ang bilang ng mga tinamaan ng nakamamatay na virus.

Hinikayat ng alkalde ang publiko na sundin ang minimum health standards upang mipigilan ang pagtaas pa ng kaso ng COVID-19.