Photos from 58th IB,PA

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Hawak na ng militar ang tatlo sa 14 na suspected members ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na nasa likod ng dalawang magkahiwalay na panununog ng civilian owned vehicles ng ilang mga malalaking negosyante na nakabase sa magkaibang bayan ng Misamis Oriental.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID,Philippine Army spokesperson Maj Jhun Cordero na ang pagka-aresto ni alyas James maging nina Edgar at Lope Virtudazo ay resulta ng malawakang pursuit operation ng 58th Infantry Batallion dahil sa pagsira ng mga rebelde ng apat na sasakyan ng Del Monte Philippines na nakabase sa bayan ng Claveria at dalawang heavy equipments naman na pagmay-ari ng Basoy Group of Companies ng Balingasag ng lalawigan.

Inihayag ni Cordero na tatlo munang magkahiwalay na engkuwentro ang nangyari bago naaresto ang tatlong mga rebelde at pagka-kompiska ng M-16,homemade shotgun,anti-personnel mine,dalawang 38 caliber at 9mm pistol mula sa magkahiwalay na encounter sites.

Dagdag ng opisyal na ang maliban sa mga baril ay naiwan rin ng mga rebelde ang ilang backpacks,medical paraphernalia at subersibong mga dokumento.

Magugunitang inaakusa ng militar na kaya sinunog ang kagamitan ng mga negosyante ay dahil nabigo ang mga ito na tumugon sa pangingikil na ginawa ng mga rebelde.

Si 4th ID,Philippine Army spokesperson Maj Jhun Cordero

Hindi naman kinompirma ng 4th ID kung mayroong sundalo na sugatan o nasawi sa mga pagtugis na inilunsad nila laban sa mga rebelde.