CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinagalak ng 8th Infantry Battalion (8IB) ang ginawang pagsisikap ng isang former rebel na na naging miyembro ng Philippine Army sa pagsuko ng tatlong NPA rebels na kinabibilangan ng isang menor de edad sa may Impasug-ong, Bukidnon.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni 8IB commander Lieutenant Colonel Ronald Illana na sumuko sina “Marben,” 17, miyembro ng Militia Ng Bayan; kapatid nito na si alias “Rodel,” 19, regular member ng company Malayag, Sub-Regional Committee 2, North Central Mindanao Regional Command (NCMRC); at alias “Ryan,” 26, supply officer ng Sentro De Grabidad Dario of NCMRC dahil sa tulong ng isang IP soldier.
Bitbit ng tatlo sa kanilang pagsuko ang isang (1) .45 caliber, isang (1) Garrand rifle at isang (1) Carbine rifle.
Ayon kay Ilana malaki ang naitulong ng mga IP soldier sa pagkumbinse ng kanilang mga dating kasamahan upang magbalik loob sa pamahalaan.