CAGAYAN DE ORO CITY – Umaakyat pa sa tatlong miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang umano’y napatay ng 5th IB,Philippine Army sa mabundok na barangay ng Maguing town,Lanao del Sur.
Ito ay matapos natunton ng militar ang lokasyon ng Sub-Regional Command 5 ng CPP-NPA dahil na rin sa ginawa na pagsusumbong ng ilang Maranao residents at MILF members kaya ikinasa ang operasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 103rd IB commander Brig Gen Jose Maria Cuerpo na isa sa mga nasawing NPA rebels ay naiwan sa encounter site habang pinaghahanap pa ang dalawa na napaulat na itinago ng mga nakatakas na mga rebelde sa ilang masa sa lugar.
Inihayag ni Cuerpo na narekober rin ng kanilang tropa ang tig-dalawang M-16 rifles at M79 grenade launchers;KG9 sub-machine gun,granada,magazines na mayroong mga bala at ibang kagamitan ng mga tumakas na rebelde.
Sinabi ng opisyal na ang nakasagupa ng tropa na mga rebelde ay nasa likod rin nang paggahasa at pagpatay sa isang miyembro nila si Hope Campangpangan na nagmula sa Bukidnon na unang pinapa-amin na espiya ng militar kung saan inilibing sa Lanao del Sur noon pang Hunyo 2018.