CAGAYAN DE ORO CITY – Kulong ang cargo truck driver na taga-Cagayan de Oro City nang inararo nito ang isang bahay na ikinasawi ng tatlong miyembro ng pamilya sa Purok 10,Barangay Lumbayao,Valencia City,Bukidnon.

Sa ipinaabot na impormasyon sa Bombo Radyo ni Bukidnon Provincial Police Office spokesperson Maj Jiselle Longgakit na Tagum,Davao City ang sasakyan na minaneho ng suspek na si Allan Yu na taga-Barangay Macabalan na bigla umanong nawalan ng preno ang trak habang papunta ng Cagayan de Oro dahilan na nagsilbing ‘stopper’ ang bahay ng pamilya Palotao.

Sinabi ni Longgakit na mabilis na inilikas papuntang ospital ang mga biktima na sina Cerelo,85;Mercy Palotao,55 at isang menor de edad dahil sa matinding mga sugat na tinamo subalit lahat sila dead on arrival.

Nagtamo rin ng mga sugat ang driver at dinala sa isa pang ospital subalit tumanggi na magpagamot kaya ikinu-kostodiya ng pulisya.

Inihanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property laban sa s suspek.