CAGAYAN DE ORO CITY – Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting into multiple homicide at damage to properties ang driver ng isang cargo truck na unang nawalan ng preno habang kargado ng graba mula Valencia City at patungo sana sa bayan ng San Fernando,Bukidnon.

Photos supplied from Valencia City Police Station

Ito ay matapos nag-resulta nang pagkasawi ng tatlong katao dahil binangga nito ang road barricade at nagtuloy-tuloy patungo sa ilang kabahayan sa lugar.

Nagkataon rin na nahagip ng trak ang motorsiklo na sinakayan ng tatlong katao kaya nagtamo ng mga malubhang mga pasa at sugat dahilan na isinugod sa magkaibang pagamutan ng probinsya.

Subalit ayon kay Valencia City Police Station commander Lt Col Cipriano Bazar Jr na kapwa biniwian ng buhay ang mga biktima na sina Percy Sison,37; Winna Jungco at isang menor de edad na lahat residente sa Valencia City epekto sa mga natamong mga sugat

Inihayag ni Bazar na agad namang sumuko ang truck driver na si Julius Angga,37 anyos na taga-Bukidnon upang kaharapin ang posibleng mga kaso na ihahain sa mga pamilya ng mga namatayan.

Si Valencia City Police Station commander Lt Col Cipriano Bazar Jr

Natuklasan na pagmay-ari ng isang Davao City based construction company ang nadisgrasya an trak na minaneho ni Angga.