CAGAYAN DE ORO CITY – Nalungkot ngunit walang personalan ang pagkasampa ng Philippine Drugs Enforcement Agency Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ng kaso laban sa tatlong pulis na unang naaresto sa drug buy bust operation sa lalawigan ng Maguindanao.
Ito ay matapos nahaharap ng kasong pagbebenta ng ilegal na droga partikular sa suspected shabu at illegal possession of firearms sina Maranao Police Station deputy commander Master Sgt Monjel Nassal Aradais, Staff Sgt Fahmi Bangon Como at Patrolman Sandiali Mangundacan na lahat nagmula sa Lanao del Sur nang maaresto sa Maguindanao noong nakaraang araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDEA-BARMM regional director Juvenal Azurin na masakit para sa kanilang kalooban na nasampahan nila ng kaso ang tatlong pulis subalit hindi rin dapat maipagpatuloy ang kinasangkutan na illegal activities ng mga ito.
Inihayag ni Azurin na ikinagulat nga nila na mga pulis pala ang mga ito nang mahuli sa sinasakyan na pribadong sasakyan na umaabot pa sa Maguindanao.
Kung malaala,nakunan ng 50 gramo ng suspected shabu na mayroong halaga na higit P300,000 ang mga suspek na nakakulong pansamantala sa mini-cell ng PDEA-BARMM heaquarters sa Cotabato City.