CAGAYAN DE ORO CITY – Naaresto ng pulisya ang tatlo sa 10 akusado na umano’y kasama pagtambang sa convoy ni Lanao del Sur Governor Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr sa magkaibang lokasyon ng Kalilangan town,Bukidnon.

Kinilala ni Bukidnon Provincial Police Office Director P/Col. Reynante Reyes ang itinurong mga salarin na sina Palawan Salem Macalbo;Nagac Dimatingkal Baratomo at Amirodin Dimatingkal Mandoc na lahat umano’y naniniarahan sa bayan ng Kalilangan.

Sinabi ni Reyes na mismo ang ilan sa complainants ang nagturo sa mga personalidad na nahuli ng pulisya sa lugar kaninang madaling araw.

Nanatiling tikom naman ang mga suspek patungkol sa kinaharap nila na paratang.

Natuklasan na na mayroong kinaharap na high profile criminal cases ang mga arestadong mga salarin dahilan na ginamitan rin ng warrant of arrests mula sa korte.

Magugunitang multiple murder at multiple frustrated murder ang inihain ng SITG Adiong laban sa tumambang kay Adiong dahil apat sa kanyang security escorts ang patay agad nang inatake sa kahabaan ng Maguing town,Lanao del Sur noong Pebrero 17.