MARAWI CITY-Pinatindi pa ng Philippine Air Force ang kanilang pag-atake sa natitira na mga teroristang Maute-ISIS na nagtatago sa high rise buildings sa loob ng war zone ng Marawi City simula kaninang umaga.
Ito ay batay sa aktuwal na nakita ng Bombo Radyo Philippines correspondent Bombo Laurence Geralde Jr na mahigit dalawang buwan nang nakatutok sa bakbakan ng militar at mga terorista sa lugar.
Iniulat ni Geralde na tumulong rin ang attack helicopters kung saan pinalipad nito ang mga karga na rockets sa lokasyon ng mga terorista.
Maliban sa OV-10 Bronco plane bombers ng PAF ay ginagapan rin ng Philippine Marines ang mga bahay-bahay na nakatago ang nasa 60 hanggang 70 terorista.
Bagamat,maingat ang tropa ng gobyerno sa kanilang mga kilos upang hindi madamay ang nasa 300 civilian hostages na hawak-hawak ng mga Maute-ASG group.