CAGAYAN DE ORO CITY-Hinuli ng mga pulis ang apat na mga lalaki na masayang nag-iinuman sa ibabaw ng puntod sa isang Chinese Cemetery sa Mastersons Avenue nitong lungsod.

Sinabi ni Police Master Sergeant Chaplin Selaras, ng Carmen Police Station na hinuli nila ang naturang mga lalaki dahil sa paglabag sa city ordinance na nagbabawal sa pag-iinom ng alak sa mga pampublikong lugar.

Dumepensa pa umano ang mga suspek na kaya nila ginawa ang pag-iinom sa puntod sa pag-aakalang okay lamang ito dahil malapit lamang sa lugar ang kanilang tirahan.

Nagpa-alala si Selaras sa publiko na kung hindi magawang iwasang uminom ng alak ay gawin na lamang ito sa loob ng bahay.