CAGAYAN DE ORO CITY -Napatay ng 1st Special Forces Batallion kasama sa intelligence units maging ng Regional Mobile Force Battalion ng PNP ang apat na itinuring na mga opisyal na mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army sa KM 24,Brgy Tikalaan,Talakag,Bukidnon.

Photos from 1st Special Forces Batallion thru 4th ID,Philippine Army

Kinilala ni 4th ID spokesperson Maj Francisco Garello Jr ang mga nasawi na sina Carlisio Sumalinog;Jovilito Pontillas;Gary Juliana at Jelly Sugnot na lahat kasapi ng magkaibang sub-regional committee ng CPP-NPA na kumikilos sa Northern Mindanao.

Sinabi ni Garello na nasa magandang posisyon ang tropa ng gobyerno kaya napuruhan ang mga kalaban at walang kahit isa na kasamahan nila ang nasugatan o nasawi sa pangyayari.

Nakompiska rin ang 16 na klase-klaseng mga baril mula sa namatay’ng mga rebelde at maging sa mga nakatakas na mga kasamahan nila.

Kinabilangan ito ng pitong M16 rifles, M203 grenade launcher,dalawang ka R4 carbines, M653 rifle, tatlo M1 Garand rifle, AK47 rifle, M14 rifle,klase-klaseng magazine,bala,medisina at ibang kagamitan.