CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay ng tropa ng 403rd IB,Philippine Army ang apat na kasapi ng umano’y rebeldeng New People’s Army (NPA) habang dalawang sundalo naman ang sugatan sa nangyaring engkuwentro sa Barangay Mabuhay,San Fernando,Bukidnon.
Inihayag sa Bombo Radyo,inihayag ni 403rd IB commander Brig Gen Ferdinand Barandon na mabilis na nakapag-responde ang tropa ni 88th IB commander Lt Col Christian James Vingno sa impormayon na isinumbong ng mga sibilyan na nagsagawa ng recruitment at extoriont activities ang mga sakop ng Guerilla Front Malayag sa Sub Regional Committee 2 ng North Central Mindanao Regional Committee dahilan na tumagal ng isang oras ang engkuwentro.
Sinabi ni Barandon na sa pagsagawa nila ng pursuit operation ay naaresto nila ang pito pa na sakop ng mga rebelde na kinabilangan ng 12 anyos na ginawang ‘child warrior’.
Nakompiska rin ng militar ang walong baril na kinabilangan ng tig-dalawang AK-47 at M653 rifles;tatlong M-16;M-14 at ibang kagamitan na pangdigma mula sa mga tumakas na mga rebelde.
Naniwala rin na marami pa ang nagtamo ng mga malubha na sugat na mga rebelde dahil sa mga baril na naiwan mula sa lugar na pinangyarihan ng engkuwentro.