CAGAYAN DE ORO CITY – Masasampahan ng patung-patong na kasong kriminal ang apat na online sellers na nasangkot sa umano’y overpricing sa produktong alcohol na kanilang ipinagbili sa publiko sa Cagayan de Oro City.
Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group o (CIDG-Cagayan de Oro) team chief Capt Freddie Sorilla ang mga suspek na sina Percy Datoy, Yobryte Unabia, Jerome Quiachon at Daniel Casino na pawang mga empleyado sa JT Food Depot nitong lungsod.
Inihayag ni Sorilla na sa halip na nasa P74.25 lamang ang tig-isang 120 ml subalit ibenenta nila ito sa halaga na P120.00 bawat isa.
Kaugnay nito,kakaharapin ng mga suspek sa piskalya ang Proclamation No. 992 order ni Pangulong Rodrigo Duterte,paglabag sa Republic Act 7581 o Price Act as amended by RA 10623 ug RA 7394 kon Consumer Act of the Philippines all in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012, Article 14 sa Aggravating Circumstances, DTI Memorandum Circular# 20-07 o Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying.
Magugunitang kabilang ang Northern Mindanao na nakaranas ng mga pagkukulang ng alcohol at ibang medical supplies dahil nagkaroon ng panic buying ang publiko bunsod sa banta na dala ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.