(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-iimbestiga pa ang pulisya ukol sa umano’y ginawa na pagpatay ng local terror group na Dawlah Islamiyah sa apat na sibilyan sa pamamagitan nang pagpasabog ng Improvised Explosive Device (IED) habang nakaluhod ang nakatali ang mga kamay nila sa Sitio Bangko,Barangay Tongan-Tongan,Madalum,Lanao del Sur.

Kinilala ni Lanao del Norte Provincial Police Office spokesperson Maj Salman Saad ang mga nasawi na sian Leo Baloro,24;Nito Bacayan,22; Lito Angcap,22 at Francis Alcaba,32 na lahat nagmula sa Poblacion,Bacolod,Lanao del Norte.

Nakaligtas naman sina Christopher Allen,18 at Anoy Ancap,58 na magkapitbahay lang rin nang mangyari ang IED explosion na umano’y kagagawan ng mga terorista.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Saad na unang naghahanap ng mga baboy ramo ang mga biktima subalit hindi nila namalayan na nakapasok na sila sa bayan ng Madalum kung saan nasalubong nito ang nasa 50 armadong kalalakihan at sila umano ay hinuli.

Inihayag ni Saad na nakahingi naman umano ng saklolo sina Ancap at Allen sa pulisya ng Munai Police Station kaya agad nakapag-responde sa explosion site.

Si Lanao del Norte Provincial Police Office spokesperson Maj Salman Saad

Samantala sa panig naman ni Cpl Ever Duarte,imbestigador ng Madalum Police Station na hindi pa malinaw kung talagang pinasabugan ng mga terorista ng IED ang mga biktima o kaya’y aksidente na naapakan ito habang nasa kasagsagan ng paghahanap ng baboy ramo noong petsa 10 ng Disyembre 2020.