CAGAYAN DE ORO CITY – Inaalam ngayon ng pulisya ang identity ng apat katao na sabay pinaslang hindi kilalang mga salarin sa Purok 9,Barangay Imelda,Villanueva,Misamis Oriental.

Salvaging victims (Photos from:Cyril Cambalon Jr

Ito ay matapos pawang nagtamo ng maraming mga tama sa ulo at ibang bahagi ng katawan ang mga biktima kabilang na ang isang menor de edad sa lugar.

Ayon sa ulat,ginamitan ng kalibre 45 at 9 mm pistol ang hindi pa kilala ng mga biktima dahilan sa kanilang agaran na pagkasawi kaninang madaling araw.

Posibleng dinala lamang sa lugar ang mga biktima at pinagbabaril-patay dahil walang nakakakilala sa mga ito.

Sa ngayo,nagpapatuloy ang isinagawa na imbestigasyon ng pulisya habang nasa punerarya ng Tagoloan ng lalawigan ang mga biktima habang hinihintay ang mga kaanak nito na dumating.

Magugunitang ginapos ang mga kamay ng mga biktima gamit ang wire nang maabutan ito ng mga tanod at mismong pulisya ng Villanueva PNP.