CAGAYAN DE ORO CITY-Nakakulong ang apat na aktibong sundalo dahil sa dalawang kasong kriminal na kinaharap sa korte sa Iligan City Reformatory Center Iligan City.

Ito ay matapos inaaresto ang mga akusado na sina Staff Sgt Franklin Gutierez;Sgt Jose Calapao;Cpl Benjie Maghanoy at Cpl Jose Sandag na lahat naka-destino sa Military Intelligence Group ng 1st Tabak Division,Philippine Army na nakabase sa Zamboanga del Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Iligan City Police Station 4 commander Maj Abogado Mautin Jr na nag-ugat ang warrant of arrest laban sa mga akusado dahil nalabag ang election gun ban.

Ito ay dahil nangyari ang pagtambang ng mga suspek kay dating Dumingag Mayor Naciancino Pacalioga Jr ng Zamboanga del Sur habang umiihi ito sa Barangay Esperanza,Bacolod,Lanao del Norte noong Marso 2019.

Inihayag ni Mautin na matagal na sinusundan ng mga suspek ang biktima hanggang nakakita umano ng pagkakataon na tambangan subalit sila ay nahuli dahil inakala nila na patay na ang kanilang target.

Bagamat,pansamantala nakalabas ang mga akusado sa kasong frustrated murder na inihain ni Pacalioga dahil nakahain ng piyansa sa korte ng Iligan City subalit ipina-aresto muli ang mga ito.

Ito ay batay na rin sa nakitang probable cause ng korte sa kasong election gun ban violation na walang ipinag-utos na piyansa.

Sa ngayon,pawang nakakulong na ang mga akusado sa city jail ng Iligan City habang hinihintay ang utos ng korte upang dinggin ang kanilang kinaharap na kaso.

Si Iligan City Police Station 4 commander Maj Abogado Mautin Jr

Una nang tinukoy na politika ang nasa likod kung bakit tinambangan umano ng mga sundalong suspek si Pacalioga subalit hindi napuruhan sa kasagsagan ng election period noong 2019.