CAGAYAN DE ORO CITY – Kinompirma ng 4th Infantry Division,Philippine Army na kabilang sa nasawi na mga miyembro ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) ng CPP-NPA ay ang apat ng opisyal ng kilusan nang malusob ang kampo nila sa Sitio Likudon, Brgy Kamanikan, Gingoog City,Misamis Oriental.

Photos from 4th ID,Philippine Army

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID commander Maj Gen Franco Nemesio Gacal na tila malaking pagbagsak ng kilusang ang nangyari sa mga kalaban dahil sa marami ang nasawi kasama ang apat na tumatayong mga opisyal nito.

Kinilala ni Gacal ang apat na sina Ian Dela Rama alyas “Gian” ng Front Secretary ng grupo,Rio Amor Yuson alyas “Lema”, finance officer ng NCMRC; Paquito Namatidong alyas “Sangka”, Platoon Leader sa SPP Sikop ng CMRC; Peter Mansaginda Pinakilid alyas “Aloy”,Political Officer, GF4A; Gladys Joy Hiponia alyas “George”, member sa SPP Kingdom, GF4A,alyas “Santol” at alyas “DELFIN” na mula sa Lamusig, Butuan City.

Inihayag ni Gacal na maaring hindi lamang 15 ang aktuwal na nasawi ng mga kalaban subalit mahigit pa dahil dami ng mga dugo na naiwan nang mapasok ng tropa ang kampo ng mga rebelde simula noong linggo ng madaling araw.

Si 4th ID commander Maj Gen Franco Nemesio Gacal

Magugunitang napilitan na lamang ilibing ang 10 na bangkay ng mga rebelde dahil nasa advance state of decomposition na para maiwasan na mahawaan ang mga tao ng Coronavirus Disease infection noong ibinurol ito ng isang araw at gabi sa Gingoog City.