(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Nagluluksa ang mga pamilya ng apat na indibidwal na nagsagawa ng treasure hunting sa loob ng kuweba na nakabase sa Sitio Tinago,Barangay Cabadiangan, Kadingilan, Bukidnon.
Kasunod ito sa matagumpay na pag-ahon search and retrieval team sa apat na biktima na unang na-trap nang magka-problema ang paghuhukay sana nila ng umano’y nakaimbak na mga ginto sa ilalim ng lawa nakapabaloob sa kuweba.
Unang kinilala ang mga biktima na sina retired army member Bobby Gonzaga,taga-bayan ng Kibawe;Ivan Gallardo,taga-Valencia City;Eduardo Diaz;residente sa bayan ng Don Carlos at Rudy Sumalpong na mismong taga-Kadingilan,pawang nasa legal na edad na lahat nagmula sa probinsya ng Bukidnon.
Sinabi sa Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Major Joann Galvez -Navarro na bagamat nakakalungkot ang pangyayari subalit inataasan rin ng Camp Alagar ang kanilang municipal subordinates na laliman ang imbestigasyon patungkol sa pangyayari.
Layuni nito na tumbukin kung mayroong foul play ba o mga personalidad na posibleng sangkot sa sinapit ng mga biktima.
Bagamat una nang nai-kuwento sa apat na iba na survivors na habang nasa water pumping operation sila ay mayroong biglang sumingaw na kulay asul na usok na hindi naman matapang ang dala na amoy subalit unti-unting pumasok sa kanilang katawan hanggang nawalan sila ng malay.(Photos contributed)