CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa kustodiya na nang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP ang 40 ka mga combatants ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na unang nahuli sa police checkpoint sa Brgy Tikalaan,Talakag,Bukidnon.
Ayon kay Police Regional Office 10 regional director Brig Gen Rolando Anduyan na miyembro ng grupong MILG 118 Von Bashier Unit ng Camp Badar Talangan Maguindanao sa ilalim ni Abdulbasser Sulaiman Tahir Base Commander ang mga nahuli.
Pawang mga residente ng Nunangan, Datu Angal, Midtimbang, Maguindanao ang mga combatant na nakasakay sa Isuzu ELF truck kolor yellow na nakarehistro at minamaneho ni Abdullah Ladsuman Sangkay, 56, taga Linamonan, Alayan, Maguindanao.
Nakarating sila sa nasabing lugar upang tanggapin ang mga lupa na ibinigay sa kanila.
Ngunit, hinuli sila ng pulisya matapos nilabag nito ang kasunduan nang gobyerno.
Nabawi ng mga pulis sa posisyon ng mga MILF ang isang M-14 US rifle 7.62mm; isang fragmentation grenade, kulay itim na bandolier ng M-14, isang handheld radio Baofing Brand, anim ka mga magazine ng M-14, 50 ka mga live ammunitions at iba’t ibang mga identification card.
Napag-alaman na nagsagawa ng Simultaneous Aggressive Police Operations o SAPO ang mga personahe nga Talakag MPS dahilan upang nahuli ang 40 ka mga miyembro ng MILF.