CAGAYAN DE ORO CITY –Umalma ang ilang Pinoy na pawang negatibo na lamang ang ibinabalita ng mainstream media ukol sa laganap na Nobel Corona Virus na kumikil ng maraming buhay ng tao partikular sa China at Pilipinas.
Ito ay matapos apektado rin ang overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa Tsina dahil hindi na nakikita ang pagsisikap ng Chinese government na maisalba ang maraming buhay ng mga biktima ng corona virus.
Iniulat ng Bombo Radyo international correspondent na si Raine Granada na taga-Makati City na nagta-trabaho bilang guro sa Liaoning Province,Shenyang na tinukoy nito na ang 400 pasyente na nailigtas laban bayrus.
Inihayag ni Granada na hindi ito nabigyang pansin na naibalita ng media bagkus ay pawang mga negatibo para sa Tsina na nakaapekto rin sa kanila bilang foreign workers.
Bagamat marami ang nadapuan ng makamamatay na sakit sa kanyang lokasyon subalit sa higit 20 na Pinoy workers na mayroon itong direct contacts,wala kahit isa sa kanila ang nahawaan o kaya’y nagpositibo sa bayrus.