(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Boluntaryo nang lumikas ang mahigit 100 pamilya mula sa 11 barangay na nakaranas ng mga pagbaha bunsod ng pag-ulan na epekto ng bagyong Odette na huling namataan sa bahagi ng Caraga Region.

Photo by Christine Fortun

Ito’y matapos hinikayat ni City Mayor Oscar Moreno ang mga residente na nasa bahagi ng lungsod na madalas tamaan ng pagbaha at pagguho ng lupa na pansamantala muna aalis sa kanilang bahay dahil sa banta na dala ng bagyo.

Sinabi ng mayor na maliban sa mga paaralan at barangay halls na bukas para sa nag-evacuate na mga residente ay hinikayat rin nito na makituloy muna sa kanilang mga kaanak upang maiwasan na magsisikan na peligro naman ng impeksyon ng COVID-19.

Una nang nakaranas ng mga pagtaas ng tubig-baha ang magkaibang drainage ng lungsod dahilan na umaabot ito sa mga pangunahing kalsada na nag-resulta rin ng pagkabuhol-buhol ng mga sasakyan.

Samantala,ipinag-utos na rin ni Provincial Governor Bambi Emano na kanselahin muna ang pasok ng mga empleyado ng kapitolyo probinsyal.

Katunayan ay agad sumunod ng mga work cancellation municipal goverment ng Binuangan,Salay,Balingoan,Talisayan,Lagonglong at Gingoog City ng lalawigan.

Base rin sa ulat,nasa higit 300 pamilya na ang nailikas mula sa magkaibang bayan ng lalawigan dahil sa walang humpay na pag-ulan simula pa kaninang madaling araw.

Magugunitang naka-red alert status ang Misamis Oriental habang naka-code yellow rin ang Cagayan de Oro dahi kay Odette.