CAGAYAN DE ORO CITY – Napilitang lumikas ang nasa higit 400 na residente o sobra 100 pamilya mula sa ilang barangay upang makaiwas na maiipit sa pagpapalitan ng mga putok ng militar at rebeldeng New People’s Army sa mabundok na bahagi ng Mantangale,Balingoan,Misamis Oriental.
Ito ay matapos nagpapatuloy pa ang pursuit operation ng 58th IB,Philippine Army laban sa nasa higit 30 miyembro ng Sub-Regional Command 1 ng CPP-NPA na kanilang nakasagupa simula pa kahapon ng hapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID spokesperson Maj Jhun Cordero na bagamat naitaboy na umano ng kanilang puwersa ang mga kaaway subalit hindi rin naiwasan na pansamantala lumikas muna na ang nasa 432 indibidwal o 111 pamilya mula sa tatlong barangay dahil sa takot na matatamaan ng mga ligaw na mga bala.
Inihayag ni Cordero na bagamat wala namang kahit isang sibilyan na nadadamay subalit ikinalungkot nila na nagambala ang mapayapa sana na paghahanap buhay ng mga ito dahil sa naabutan talaga nila ang mga kaaway ng gobyerno.
Una nang napatayan ng isang medic officer ang mga rebelde na isang babae at nakompiska rin ang M-16 rifles,mga bala ng AK-47 at M-14, tatlong rifle grenades, dalawang signus radio,tatlong celphones, tatlong solar panel,klase-klaseng mga gamot, 18 backpacks, personal belongings at subersibong dokumento.
Itinanggi na rin ng AFP na mayroong sugatan sa kanilang kasamahan nang maganap ang engkuwentro.