CAGAYAN DE ORO CITY – Nadagdagan na naman ang bilang ng mga pasyente na nakitaan ng mga sintomas sa novel coronavirus dito sa lungsod.
Ito ang naging kumpirmasyon ni Department of Health (DoH)10 Asst Reg Dir Dr. David Mendoza sa panayam ng Bombo Radyo.
Aniya, umakyat na sa lima ang mga pasyente na nakakaranas ng pag-ubo, sip-on, at lagnat na siyang sintoma sa nasabing virus na ilan ay nasa Northern Mindanao Medical Center.
Hinihintay naman ng mga health officials ngayong araw ang resulta ng laboratory tests sa mga samples nito na ipinapadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Sa ngayon, tinawag nang ahensiya na persons under investigation (PUI) ang mga pasyente dahil mga light symptoms lamang ng virus ang kanilang nakikita.
Una nang inactivate ng lungsod ang “Task Force Novel Coronavirus” na kinabibilangan ng mga representante ng city health office, Department of Health, JR Borja General Hospital, Northern Mindanao Medical Center, City Price Coordinating Council, Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, City Disaster Risk Reduction and Management Department, city police, Bureau of Immigration at city councilors.