CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang limang katao habang 11 naman ang nasugatan sa nangyaring banggaan ng RTMI Bus at Fish car sa Purok 1 Burnay, Gitagum, Misamis Oriental.

Kabilang sa mga namatay ang driver ng bus na si Rovel Pagasian, 38-anyos na taga Tambacan, Iligan City at ang driver ng fish car na si Silvino Flores Jr, 39-anyos na residente naman ng Zone 4, Ayala, Zamboanga City.

Sinabi ni Gitagum Municipal Police Station Commander Police Major Dennis Cerilla na galing sa magkasalungat na direksyon ang dalawang sasakyan at basi sa inisyal na nakuha nilang impormasyon bigla umanong pumutok ang gulong ng fish car kaya’t nawalan ng kontrol ang driver hanggang nagresulta sa madugong insidente.

Ngunit ayon kay Major Cerilla, nang kanilang tiningnan ang gulong ng dalawang sasakyan nasa maayos naman ang mga ito.

Aniya, basi naman sa nakitang dashcam biglang umaagaw ng linya ang fish car sa binabaybay na daan ng bus kaya humantong sa head on collision.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga sugatang pasahero ng dalawang saksakyan.