CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutugis pa ng militar at pulisya ang nakatakas na grupo ni Lanao del Sur based Dawlah Islamiyah -Maute founder Abu Zacaria na kabakbakan ng goverment forces sa Barangay Piangologan sa bayan ng Marogong.
Ito ay matapos napatay sa isinagawa na focused military operation ang apat sa mga kasamahan ni Zacaria habang tatlong iba pa ang naaresto sa nasabing bahagi ng Lanao del Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Maj. Andrew Linao na naganap ang limang minuto na engkuwentro kasunod sa ginawan pa pagbabanta ng mga terorista na lusubin at bombahin ang buong bayan ng Marogong.
Sinabi ni Linao na ang pagbabanta ng mga terorista ay nagdulot ng matinding takot ng mga sibilyan kaya higit libong pamilya na kadalasan kababaehan at mga bata ang napilitang nagsilikas patungo sa kanilang mga kaanak sa kalapit na mga bayan.
Samantala,ikinalungkot rin na inamin ni Linao na isa ang killed in action na sundalo habang tatlong iba pa ang sugatan sa nabanggit na engkuwentro.
Magugunitang nagalit umano si Zacaria matapos naaresto ang apat na menor de edad na umano’y miyembro ng mga terorista kaya sumiklab ang kaguluhan simula noong narakaang linggo.