CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang lima umanong miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makasagupa nila ang tropa ng militar sa mga boundary ng Talakag,Bukidnon at bayan ng Tagoloan II,Lanao del Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 403rd IB,Philippine Army commander Brig Gen Ferdinand Barandon na nagsagawa ng security operation ang tropa ng 1st Special Forces Batallion nang maka-engkuwentro nila ang nasa higit-kumulang 30 miyembro ng Sub-Regional Command 5 at Sub- Regional Command 4 ng North Central Mindanao Regional Committte ng CPP-NPA sa Barangay Gayakay,Tagoloan,Lanao del Sur.
Inihayag ni Barandon na dalawang beses ang engkuwentro hanggang napalibutan ang mga rebelde kaya nalagasan ng nasa lima na mga kasamahan hapon ng umaga.
Narekober sa encounter sites ang tatlong M-16 armalite rifles,2 Garands at M-14 rifle.
Nakikipag-ugnayan naman ang 1st Special Forces Batallion sa Lanao del Sur Provincial Police Office upang makuha ang mga bangkay ng mga rebelde at makilala ang mga ito para maihatid sa kani-kanilang pamilya kung sakali na nagmula dito sa Hilagang Mindanao.