CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng kasong rape ang limang mag-aaral na umano’y gumahasa sa kanilang 23 anyos na babaeng ka-klase sa Southern Philippines College (SPC) sa Barangay 23,Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos sunod-sunod na naaresto ang mga suspek nang mag-responde ng pulisya sa hiningi na saklolo ng concern citizen dahil hindi matiis ang narinig na pagsisigaw ng biktima na itinago lamang sa pangalang ‘Nene’.
Inihayag sa Bombo Radyo ni Police Executive Master Sargeant Ricky Bagas,officer-in-charge sa Macabalan Police Station na kabilang sa sinampahan ng kaso sina Jemboy Tonacao, 21, na taga- Manticao, Misamis Oriental;Junel Pabingwit, 24, na taga-Sto.Nino, Barangay Lapasan;Clint Caballero, 18 na residente sa Xavier Heights at ang nagtatago pa na si Jason Veter.
Sinabi ni Bagas na narekober rin nila ang celphone na ginamit ni Caballero pagkuha ng video habang abala ang kasamahan nito ipasok ang kanilang mga daliri sa pribadong bahagi na katawan ng biktima.
Makikita umano sa video na hindi makagalaw dahil iba ang humawak sa mga kamay at paa nito habang ginawang katuwaan ang malaswa nila na pambababoy sa biktima.
Una rito,nais ng pamilya ng biktima na maipasa ang panukalang batas na maibalik ang death penalty upang kabilang ang mga suspek na mahatulan.
Magugunitang naimbitahan ang biktima ni Tonacao sa kanyang birthday subalit hindi inaasahan na pinagtulungan lamang ito ng mga suspek na gahasain.
Napag-alaman na inamin ng mga suspek ang kremin subalit iginiit nila na mismo umano ang biktima ang nagbigay motibo dahilan na nahahamon ang kanilang pagka-lalaki.