CAGAYAN DE ORO CITY-Nasabat ng mga personahe ng Provincial Veterinary Office ang mahigit 500 boxes ng mga pork products sa Tagloan Port Misamis Oriental.

Sinabi ni Provincial Veterinary Office head Dr. Benjamin Resma na balak sanang dalhin ang nagkakahalaga ng mahigit P70,000 na mga produkto ng baboy sa isang cold storage sa Brgy Cugman dito sa lungsod.

Agad namang sinunog ang naturang mga produkto.

Ayon kay Resma, wala pang balak si Misamis Oriental Gov. Bambi Emano na tanggalin ang pag ban sa pagpasok ng mga produkto na may nakahalong karne ng baboy sa lalawigan hanggat hindi pa idineklara ng Department of Agriculture-National na ASF-free na ang buong Pilipinas.