(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutugis pa ng pulisya kasama ang militar ang lima sa anim na mga priso na tumakas sa mini-cell ng pulisya sa Malabang,Lanao del Sur.
Ito ay matapos nalusutan ang ilang pulis na nagbabantay sa mga bilanggo na mayroong mga mabibigat na mga kasong kinaharap sa korte.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Rex Derilo na kaya nakatakas ang mga salarin ay dahil ni-lagare nila ang pinto at itinali ang bantay na pulis para tuluyang makatakas.
Sinabi ni Derilo na kabilang sa mga pinaghahanap ng kanilang puwersa ay sina Asmari Macadato;Amad Marahomsar;Norodin Yambangan;Ponbast Jaron ;Al Jabbar Marahom habang na-aresto ng muli si Acman Marahomsar.
Dagdag ng opisyal na kabilang sa mga kinaharap na kaso ng mga suspek ay pagpatay;frustrated murder;pagbebenta ng ilegal na droga at pag-iingat rin ng hindi lisensyado na mga baril.
Nilinaw rin ni Derilo na taliwas sa ipinalutang na kaya nakatakas ang mga priso ay dahil mayroong engkuwentro ay isang malaking kasinungalingan sa panig ng mga nakabantay dahilan na pinagpaliwanag ukol sa pangyayari.