CAGAYAN DE ORO CITY – Inalayan ng mataas na pagpugay ng mga bumubuo sa 4th ID,Philippine Army ang inisyal na anim na sundalo na bahagi sa 50 na nasawi mula sa bumagsak na C-130 plane Hercules sa Patikul,Sulu.
Ito ay matapos dumating na ang mga labi ng ‘fallen heroes’ na kabilangan nina Army Sgt Butch Maestro ng Balingoan,Misamis Oriental;sina PFCs Vic Monera;Niel Mark Anggana;Mark Nash Lumanta at Marcelino Alquisar na lahat mula sa magkaibang bahagi ng Bukidnon at PFC Reymar Harmona na nagmula sa Agusan del Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID spokesperson Maj Francisco Gallero Jr na mananatili muna ng ilang araw at gabi ang mga labi ng kanilang mga kasamahan na nagbuhis buhay sa loob ng Camp Evangelista bago ihatid sa kani-kanilang mga tahanan.
Inihayag ni Gallero na bagamat naluluksa ang buong sandatahang lakas dahil sa sinapit ng kanilang mga kasamahan subalit hindi ito magpapahina sa pagpaabot nila ng serbisyo para sa taong-bayan na pinaglilingkuran.
Mismo rin si 4th ID commading officer Maj Gen Romeo Brawner Jr na ilang oras lang ang paggitan para maiwasan ang matinding trahedya dahil ito na eroplano ang sinakyan ng kanyang pamilya at ilang staff papunta sa Cagayan de Oro noong nakaralinggo Linggo ang siya na tumanggap sa mga labi ng mga sundalo kaninang umaga.
Lumapag kasi ang kulay puti na eroplano ng Philippine Air Force na lulan ang mga sundalo sa dating Lumbia Domestic Airport na pinangasiwaan ng Tactical Operations Group 10 dito sa syudad.