CAGAYAN DE ORO CITY-Kaawa-awa ang sinapit ng isang senior citizen sa mga kamay ng kanyang kainuman sa Sitio Tuganay Brgy Mindagat, Malitbog, Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Rafael Ventura, 68, may-asawa, isang magsasaka at residente sa naturang lugar, habang ang suspek naman ay ang kapitbahay nito sa si Julie Yagsang na nasa hustong taong gulang.

Sinabi ni Capt. Jaemar Paguidopon, hepe ng Malitbog Police Station na nag inuman ang dalawa nang biglang tinaga ng suspek ang biktima gamit ang karit at muntik maputol ang leeg nito.

Ayon kay Capt. Paguidopon, maging ang asawa ng biktima ay hindi pinalagpas ng suspek na nasugatan rin sa insidente.

Agad namang nahuli ang suspek at nakatakdang sasampahan ng kasong homicide at frustrated homicide.