Ipinahayag ni Kilusang Mayo Uno Northern Mindanao Leader Tita Hadman ang malaking pangamba kung makatutugon pa ba ang mga ordinaryong manggagawa sa 7.2% na inflation sa gitna ng napakababang suweldo.

Nilinaw ng lider na kahit sinasabi ng NEDA na maunlad ang Rehiyon Dyes, mas nararapat na tanungin ang mga tao sa ibaba kung naramdaman ba talaga ang naturang pag-unlad ng kanilang pamilya.

Iginiit din ng opisyal na ang tunay na sukatan ng pag-unlad ay ang karanasan ng mamamayan at hindi ang mga deklarasyon mula sa mga naka-aircon na opisina.

Kaugnay ng naturang hamon, nanawagan ang grupo sa pagtataas ng araw-araw na suweldo patungong 1,200 pesos upang makatulong sa mga pamilyang naghihirap.