Ipinag-utos ngayon ang pagkilos sa buong bansa upang makatipon ng 7.5 milyong pirma na kinakailangan para sa pagpapabago ng batas laban sa lumalawak na political dynasty sa bansa.
Dahil dito, nanawagan si Archdiocese of Cagayan de Oro Social Action Center Coordinator Bong Florendo sa mamamayan na pag-aralan ang petisyon ng Dapat Isa Lang movement at pumirma online upang maihain ang tunay na batas laban sa political dynasty.
Ayon sa lider ng simbahan, pinagsisikapang ipagbawal ng naturang inisyatiba ang mga kamag-anak hanggang sa ikaapat na antas ng dugo na humawak ng pwesto sa gobyerno.
Samantala, kapag nanalo at bumoto ng “Yes” ang karamihan sa gaganaping pagpili ng Commission on Elections, ganap na magiging batas ang naturang petisyon dalawang linggo matapos itong maitampok sa mga pahayagan.











