(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinalungkot ng local government unit ang sinapit ng limang magkapatid na pawang nasawi habang kritikal ang ina dahil sa pagguho ng lupa papunta sa kanilang bahay sa Purok 2,Taparak,Iligan City.

Kinilala ni City Information Officer Joe Pantoja ang mag-asawa na magulang ng mga bata na sina Jessie at Shela Mae Barolan na residente sa lugar.

Sinabi ni Pantoja na kabilang sa mga dead on arrival na dumating sa ospital ay ang pitong buwan pa lang na biktima kasama ang mga kapatid na 2 anyos,4,7 at walong taong gulang.

Inamin ng tagapagsalita ng LGU-Iligan City na mag-ilang araw na ring nakaranas ng mga pag-ulan ang kanilang lugar dahilan na mayroong naitala na landslide at tumama sa pamilya Barolan.

Si City Information Officer Joe Pantoja

Inaabutan na ng mga kaukulang tulong ang mga biktima habang sasailalim ng stress debriefing ang mga-asawa kung sila ay tuluyan nang makalabas sa pagamutan dahil sa pangyayari.