CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang isang 72-anyos na lola matapos mabakunahan ng Astrazeneca vaccine sa Salimbalan, Baungon, Bukidnon.

Sinabi ni Brgy Salimbalan SK Chairman Christian Peter Tajuran na wala naman umanong iniindang sakit ang biktima kaya ito nabakunahan noong Mayor 20 at sa katunayan pumasok pa ito sa kanyang trabaho sa kanilang Barangay kinabukasan bilang janitres.

Ngunit ayon kay Tajuran, Sabado ng madaling araw ay nahirapang huminga ang biktima kaya dinala sa kanilang rural health unit at kahapon ay binawian na ito ng buhay.

Aniya, iniibestigahan pa kung ano ang totoong dahilan sa pagkamatay ng biktima.