CAGAYAN DE ORO CITY-Pinawi ngayon ng taga simbahan ang pangamba ng mga tawo sa kalagayan ni Msgr Rey Monsanto na hinamatay sa kasagsagan ng misa sa Our Lady of Fatima church, Brgy Camaman-an nitong lungsod.
Sinabi ni Fr. Der John Faborada na kulang sa tulog ang naturang monsignor at hindi pa ito kumain ng magsagawa ng misa kaninang ugma.
Aniya, kakatapus lamang magbigay ng communion nang biglang hinimatay si Msgr Monsanto.
Dagdag pa ni Fr. Faborada na nasa mabuting kalagayan na ang 75-anyos na pari at kasalukuyang nagpapahinga sa bahay nito sa Brgy Patag sa Siyudad.