CAGAYAN DE ORO CITY – Sasampahan ng kasong paglabag sa Philipppine Fishers Code of 1998 ang 11 katao na unang naaresto dahil sa pag-iingat ng walong libo ng kilo ng ‘giant clams o ‘taklubo’ nang tinangka lusutan ang police Koresko Checkpoint,Barangay Lumbia,Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos nais ng mga suspek na ihatid ang isang truck na kargado ng giant clams sa umano’y nag-order sa kanila kapalit ang hindi binanggit na malaking halaga ng pera.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni City Mobile Force Batallion commander Lt Col Alexy Sonido na walo sa mga suspek ay lahat nagmula sa magkaibang bayan ng Misamis Oriental habang dalawa rin nanggaling sa Bukidnon at isa ang residente nitong lungsod.
Inihayag ni Sonido na dahil sa pinagbawal ang pagkuha at pagtransport ng giant clams ay kinompiska nila ito at dinala sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang naka-kustodiya naman ang mga suspek sa mini-cell ng Lumbia Police Station.
Nakatakdang ihahain ang kasong kriminal laban sa mga suspek na sina Diosdado Abellana,29 anyos na taga-Brgy Mambuaya sa syudad;Ronel Pilarca,30 anyos;Christhoper Pornia,28 anyos gikan sa Quezon na pulos taga-Bukidnon;Ricky Sunogan,50;Larry Salvan,45;Arnel Sanchez,49;Peterson Suan,55;Ricky Allones,35;Jed Ragmac,29;Ramil Villagracia,19 at Michael Paler,24 na mula sa Misamis Oriental.
Bagamat inamin ng opisyal na maaring makapaghain ng piyansa ang mga suspek para sa kanilang pansamantalang kalaayan.