CAGAYAN DE ORO CITY – Inaresto ng militar ang walo umanong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nasangkot sa ‘clan war’ ng dalawang magka-rido na pamilya na nagresulta nang manaka-nakang engkuwentro sa mga barangay ng Pindolonan at Malna sa bayan ng Kapai,Lanao del Sur.
Ito ay matapos biglang bumigay ang kasalukuyan sana na negosasyon na ayusin ang mag-ilang dekada na bangayan ng pamilyang Elias at Musama na nagmula sa mga bayan ng Tagoloan II at Kapai dahil naiinip na para sa susunod na hakbang para sana maresolba ang suliranin.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 103rd IB,Philippine Army commander Brig Gen Jose Maria Cuerpo na agad nag-responde an kanilang 82nd Infantry Batallion kaya naabutan ang walong armadong katao na na umano’y nagpakilala na nagmula sa panig ng MILF.
Dinis-armahan agad ng militar ang mga ito at itinu-turnover sa 102nd Base Command ng MILF habang nire-resolba ang muling paggamitan ng puwersa ng dalawang panig.
Bagamat,nilinaw ni Cuerpo na walang kahit anumang sugatan o nasawi nang magkapalitan ng mga putok ang magka-ribal na panig.
Kabilang sa mga nakompiska ay ang Elisco M16A1 rifle, M16 Colt AR15 Model 613, Sniper rifle, 5.56 Bushmaster rifle attached ang Grenade Launcher, M14 rifle, Cal. 30 Carbine, Cal.22 Bolt Action Rifle,M79 Grenade Launcher at Colt Cal. 45 pistol.
Sa ngayon,kumilos na ang peace committees ng dalawang panig ng gobyerno at MILF upang pumagitna para tuluyang tuldukan ang away ng dalawang malalaking pamilya na kapwa armado ng mga matataas na uri ng mga baril.