CAGAYAN DE ORO CITY- Nakalabas na ang ilan sa mga pasyente habang ang karamihan ay ipinabalik na sa loob ng pribadong ospital na dating ipinalikas dahil sa epekto ng malakas na lindol sa bayan ng Kadingilan,Bukidnon.
Ito ay matapos nagbigay clearance na ang municipal structural engineering office na ligtas pang balikan ng mga pasyente ang Pahilan Private Hospital na nakaranas ng mga pagkabitak ang mga pader sa bayan ng Don Carlos.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Don Carlos Mayor Maria Victoria Pizzaro na tanging pina-problema nila sa ngayon ang kalagayan ng mga pasyente na nanggaling sa Simbolan Sto Nino Hospital dahil nanatili pang nasa gymnasium ng munisipyo.
Ito ay dahil hindi pa natapos ang pag-assess kung maarin pa ba pabalikin ang mga trabahante at pasyente dahil sa tinamo na danyos epekto ng 5. 9 magnitude na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Mindanao noong Lunes ng gabi.
Dagdag ng opisyal na bagamat wala namang residente na sugatan o nasawi nang ginulantang sila ng malakas na lindol.
Samantala,umaakyat na rin sa halos 300 kabahayan ang nasira sa bayan ng Kadingilan.
Ito ay batay sa inisyal na assessement ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).
Kung maalala,nasa walong katao ang sugatan na nagmula sa iba’t-ibang bayan ng Bukidnon nang tumama ang lindol.
Nanatili rin na walang pasok ang iba’t-ibang level ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga apektadong mga bayan.