CAGAYAN DE ORO CITY – Pinasabog ng 4th ID,Philippine Army ang nasa 80 klase-klaseng bomba na nakompiska nila mula sa magkaibang engkuwentro laban sa CPP-NPA-NDF sa Mindanao.
Itoy matapos na hayagan ang paglabag nito sa International Humanitarian Law na ginamit ng mga rebelde upang pangtapat nila sa malakas na puwersa ng estado.
Sinabi ni 4th ID commander Maj Gen Romeo Brawner Jr na mismo ang kanilang mga sakop ng 10th Forward Service Support Unit;2nd Explosive Ordnance Disposal at 2nd EOD Company ng EOD of the Army Support Command upang pasabugin ang mga ito sa Barangay Tignapoloan ng lungsod kahapon.
Inihayag ni Brawner na layunin rin nito na hindi na magamit pa muli ng mga rebelde ang mga nabanggit na bomba laban sa tropa ng pamahalaan.
Magugunitang dahil dehado sa labanan ang mga rebelde kontra puwersa ng gobyerno ay ginagamitan nila ng mga uri ng mga kagamitang pandigma kahit na ipinagbawal pa ito ng IHL.