Nagsisikap ang mahigit 80 pamilya mula sa nagkakaisang grupo ng Dumagat, Maranao, Manobo, at Higaonon sa Mambuaya na harapin ang sunod-sunod na kasong isinampa laban sa komunidad upang mapaalis sila sa kanilang tinitirhan.

Ipinahayag ni Lay Theologian Wilson Amad na paraan ito ng kabilang panig upang pilitin ang mga residente na gumastos nang malaki tulad sa abogado na nagkakahalaga ng 40,000 pesos sa MTC at 80,000 pesos sa RTC na napakabigat para sa mga mahihirap.

Dahil dito, nanawagan si Amad ng interreligious dialogue at sa mga legal counsel na bigyan ng konsiderasyon ang grupo habang hindi pa nasasagot ng korte ang inihain nilang TRO sa demolition at ang kaso sa Ombudsman.

Bukod pa riyan, kahit ang mga katutubong may sarili nang titulo mula sa kanilang mga magulang ay isinama pa rin sa kaso, kaya nagkaisa ang komunidad na tumindig para sa katarungan.