CAGAYAN DE ORO CITY – Uunahin ng United Kingdom (UK) government ang pagbabakuna ng hospital frontliners at mga matatandang nag-edad 80 anyos pataas na nasa care homes gamit ang US based company Pfizer’ vaccines simula sa araw na Lunes.

Ito ay matapos dumating na ang inisyal na 800,000 vaccine doses upang isagawa ang mass vaccination upang labanan ang laganap na coronavirus disease na tumama ng husto sa mga mamamayan ng UK.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni UK-based microbologist Dr Don Valledor na tatangkain ng kompanyang Pfizer na bago matapos ang Disyembre nitong taon ay mai-deliver na ang lahat na 30 hanggang 40 milyong doses ng bakuna para mabakunahan ang malaking porsyento ng mga residente kontra bayrus.

Inihayag ni Valledor na hindi pa kasali rito ang mga bakuna na gawa ng BioNTech na Germany based company na kabilang sa magsu-suplay rin para sa UK.

Si UK-based microbologist Dr Don Valledor

Dagdag nito na nakahain na rin ng approval for use vaccination ang kompanyang AstraZeneca at Oxford University sa Department of Health and Social Care para makapagsagawa ng sariling mass vaccination sa mismong mga residente ng United Kingdom sa loob ng buwang ito.