Binigyang-diin nang husto ni dating Cagayan de Oro City Mayor Atty. Oscar Moreno ang ibinunyag ng testigo ng prosekusyon na si Atty. Alexander Cabrera na aabot sa 817 milyong piso ang sinasabing unexplained wealth ni Bise Presidente Sara Duterte sa taong 2025 lamang.
Ipinaliwanag ni Moreno na ang milyon-milyong pisong mga bank deposit at insurance product ay kinakailangang makita sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. Ayon sa dating alkalde, kung hindi kumpleto o may hindi idineklara sa naturang dokumento, maituturing na itong paglabag sa batas.
Dugtong ni Moreno na ang malaking tanong ngayon na dapat timbangin ng impeachment court ay kung gaano kabigat ang naturang paglabag batay sa mga ebidensyang iprinisinta ng prosekusyon.











