CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot pa sa siyam-napu’ng (90) bahay ang natupok ng apoy sa dalawang magkatabing barangay ng Cagayan de Oro.

Kabilang sa mga nasunugan ay mga residente ng Barangay 26 at 22 nitong lungsod.

Ayon kayBFP District Deputy Fire Marshall F/Insp Arnulfo Nabua  na nasa halagang P1.6-milyon ang inisyal na danyos ng sunog.

Isang bata naman ang ini-report na missing.

Hindi pa matukoy ng mga bombero ang sanhi ng sunog.

Wala namang naiulat na namatay o malubhang nasugatan sa nasabing insidente.

Sa ngayon, pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Corrales Elementary School at open basketball court sa nasabing mga barangay.