CAGAYAN DE ORO CITY – Nasampa na sa piskalya ang kasong “extortion” at “robbery” laban sa isang pekeng PDEA agent matapos mahuli sa entrapment operation sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Base sa report ng Provincial Police Office Intelligence Branch, at Misamis Oriental Police Office Intel Unit, nakilala ang suspek na si Seth Ras Podarera, 42 taong gulang at isang lumad mula Butuan City.
Naaresto ang suspek matapos makaharap ang tunay na mga pulis sa loob ng Lim Ketkai Mall, nitong syudad.
Ayon sa biktimang si Kentr Guevarra, nangikil sa kanya ang suspek sa halagang P50,000 kapalit sa kanyang kalayaan laban sa kasong pagbebenta ng ilegal na druga.
Mariing itinanggi ng biktima ang paratang suspek kung kaya’t siyay nagpasaklolo sa Tagoloan Police Station.
Sa ngayon, iniimbestigahan ng mga polisya ang umano’y sinabi ng suspek na may “mastermind” siyang pulis na siyang nagturo sa kanila sa nasabing modus.