CAGAYAN DE ORO CITY – Pinangunahan ng aktibistang running priest na si Rev. Fr. Robert Reyes at dating Commission on Human Rights (CHR) Chairman Etta Rosales ang pagbigay edukasyon ukol sa mga tunay na nangyari noong ipinapatupad ang batas militar sa buong bansa taong 1972.

Ito ay matapos muling bumisita sina Reyes at Rosales upang pangunahan ang isang forum na sumentro pagmulat ng mga kabataan na kinulang ang kaalaman ukol sa martial law implementation noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Inihayag ni Reyes sa Bombo Radyo na hindi maaring kalimutan ang mga nangyari noong kapanahunan ng batas militar dahil maraming buhay ang apektado epekto sa malawakang abusong pangtao.

Ang pagbisita ng dalawang anti-martial law personalities ay alinsunod na rin sa isasagawa na national day of protest na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa bukas.

Si Rosales ay survivor sa mga abuso noon habang si Reyes ay ilang beses na ipinakulong dahil hayagan na kinontra ang mga abuso ng mga tauhan ni Marcos sa kasagsagan ng batas-militar.