PC:PNP-10’s RID

CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinagulat ng Cagayan de Oro City Police Office (CoCPO) ang dami ng mga deboto na nakiisa sa traslacion ng Itim na Nazareno dito sa lungsod.

Ayon kay CoCPO spokesperson Pol. C/Insp. Mardy Hortillosa, hindi nila inaasahan na aabot sa 200,000 devotees ang sasali sa nasabing aktibidad lalo pa’t may banta ng terorismo sa lungsod.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ng Philippine National Police (PNP) dahil nagpapakita lamang daw ang naturang malaking bilang na nagtitiwala ang publiko sa ibinibigay nilang seguridad sa mga deboto.

Una nang ipinangako ng PNP na ibibigay nila ang best security kung kaya’t gumamit sila ng aerial drone sa pagmonitor sa mga devotee.

Ikinatuwa naman ng PNP ang matagumpay at mapayapang pagtatapos ng traslacion ngayong araw.

Napag-alaman na base sa obserbasyon ng PNP, ito ang pinaka-peaceful at organized na traslacion ng Itim na Nazareno sa loob ng siyam na taon.

Tumagal ang traslacion sa loob ng dalawang oras kung saan dumaan ito sa 24 na pangunahing lansangan mula San Agustin Cathedral pabalik sa Sr. Jesus Nazareno Parish kaninang madaling araw.