CAGAYAN DE ORO CITY – Pinasabog na ng mga miyembro ng Joint Task Group Builder ang mga unexploaded bombs na kanilang nahukay sa mostly affected area o MAA ng Marawi City, makalipas ang mahigit isang taong anibersayo ng Marawi Siege.

Ang aktibidad ay nag-umpisa sa ganap alas-10 ng umaga at matatapos alas-12 ng tanghali kung saan naghukay ang mga sundalo ng siyam na metrong lalim ng lupa at inilagay ang mga bomba upang ma-detonate sa bahagi ng Barangay Moncado Colony sa sector 2 ng MAA.

Ang mga Unexploded ordnance (UXO) kagaya ng bomba, granada, land mines ay nahdiskobre ng militar habang nagsagawa sila ng demolition at clearing operations sa loob ng 250-hectare ng Marawi Business Center, limang buwan pagkatapos ng urban warfare noong 2017.

Inabisohan na ng Task Force Bangon Marawi ang publiko na maging kalmado sa kanilang pagpapasabog.